Wednesday, February 23, 2005

Prayer Request: February 10 - February 23

panginoon, nahaharap na naman po sa isang matinding krisis ang bansang pilipinas. tulungan mo po kami, lalong lalo na sa mga nasaktan sa Valentine's Day Bombing. at bigyan niyo po ng katahimikan ang mga kaluluwa ng mga nasawi. bigyan niyo po ng karagdagang tapang ang aming mga pulis at mga tagapag-taguyod ng pambansang seguridad. at kung sino man, panginoon, ang nasa likod ng mga karumaldumal na pangyayaring ito, naway kanilang marealize ang kasamaang dulot nito , di lamang sa atin kundi sa pangkalahatang kapakanan ng bansa. ito ang aking dasal, panginoon, sa pamamagitan ng iyong anak na si jesus. amen. --- concerned

Wednesday, February 09, 2005

Prayer Request: January 24 - February 9


panginoon, bigyan mo pa po ng karagdagang lakas ang kaibigan ko, lalong lalo na ngayon sa mga problema nya sa pamilya. naway madama niya ang iyong pagmamahal. wag sana syang mawalan ng pag-asa. amen. ---kaibigan